Sunday, December 14, 2014

Adan At Eba - Modernong Kuwento

May dalawang tao sa loob ng telebisyon na nangangalang Adan at Eba, pinanonood sila Adan at Eba ng mga may-ari sakanila. Ang mga may-ari ay kalayaang ipagawa ang mga eksena na gusto nila, pero hindi naman ito inaabuso ng may-ari at sa swerte ni Adan at Eba, pwede nila gawin ang kahit anong gusto nila, pero mayroon isang batas na ipinagbabawal na hawakan ang mala high-tech na gamit at kapag hinawakan ito ay magugulo ang kanilang mundo. Masayang namumuhay sila Adan at Eba ng may narinig at nakita silang kanta, nagustuhan nila Adan at Eba ito. Tinukso ng kanta sila Adan at Eba na kung gusto pa nila makarinig pa at makakita ay kailangan nila hawakan ang gamit na ipinagbabawal. Tutol si Adan dito, pero si Eba ng hindi nakatingin si Adan ay hinawakan bigla ito at lumabas ang mga may-ari at sinigawan si Eba dahil sa kanyang ginawa. Dahil dito, ang buhay ng mga tao ay naging kakaiba kung saan lahat ay gumagamit na ng gadget na iyon at tinitigil ang nararapat na pag sosyalisahin. Ang mga may-ari ay pinarusahan ang kanta na hindi na ito makikita at maririnig na lamang.

No comments:

Post a Comment

Adam At Eve. All rights reserved. BLOG DESIGN BY Blogdessert.